Tuesday, November 29, 2005

deglutition reflex
** and post na ito ay sumingaw mula sa dalawang araw na walang humpay na pagbabasa ng Physiology, 5th ed nina berne, levy, koeppen, stanton... huwag umasang ma-entertain. (duh... kelan ka naging entertaining may?)

ang swallowing o deglutition reflex ay may tatlong phases: oral, pharyngeal at esophageal phase.

and oral phase ay voluntary. samakatuwid, kaya mo itong kontrolin. it o ay paghahanda ng pagkaing lulunukin sa pamamagitan ng pagnguya nito sa maliliit na piraso at paghahalo nito sa laway (yum yum). kapag tama na ang consistency ng nginuyang pagkain, ang dila ay babahagi ng maliit na piraso at itutulak ito patungong lalamunan (pharynx).

may mga tactile receptors sa lalamunan na masasagi ng pagkain habang dumadaan ito sa bahaging ito. ang pagsagi nito ang magpapasinaya sa involuntary phase ng paglunok.

sa pharyngeal phase ng paglunok, maraming mahalgang pangyayari na nagdudulot ng proteksyon sa ating pakuldad ng paghinga habang lumulunok. sa madaling sabi, ito ang nagsisilbing proteksyon sa atin upang hindi tayo mabilaukan.

sa phase na ito nagsasara ang trachea sa pamamagitan ng pagtatakip ng epiglottis dito.

bakit ko isinusulat ito?

simple lang.

nasamid ako kanina. pumunta yung coca-cola sa aking trachea.

hindi iyon masaya.

kalimutan nyo na yung esophageal phase kasi di sya kasama sa kwento.

** ito ang naidudulot ng pag-aaral ng medisina.

madalas ay naitatanong ko sa sarili ko kung bakit bihira na akong magpost gayong dati naman ay mahal na mahal ko ang blog na ito at hindi ako makatiis na hindi magsulat.

hindi factor ang oras, sapagkat marami akong sinasayang sa pag-iinternet, pagmumuni-muni, at pagtulog ng wala sa oras...

ngayon alam ko na ang sagot. wala lang talaga akong ibubugha.

ang utak ko ay nagugol na sa anatomy, physiology, biochemistry, histology, neuroanatomy, med ethics, at ang pinakamalupit na subject sa lahat, family and community medicine, kung saan ang pinag-aaralan namin ay kayang daanin sa common sense lamang (joke lang... biostat na kami ngayon).

kaya ganun...

malamang, matagal bago ulit ako mag-post.

Morbid Indulgencestarted this journey at11/29/2005

mad girl's love song
there is no truth
there is only bullshit ...

about me

*Name: --may--
*Age: --20--
*From: --philippines--
*ex-Biology student, Med student, full-time blogger, solitary

 

View my complete profile

 

View Guestbook  

Sign Guestbook
Get a FREE guestbook here!

recent

Wala na naman akong magawa
Reality television
From politics to anime
Undas para sa isang batang nanggaling sa dysfuncti...
Just finished reading Veronika Decides to Die by P...
i be damned
life's twists and turns
Unang post sa buwan ng Oktubre (at nawa'y hindi huli)
Unang post sa buwan ng Setyembre
the cards have spoken

past

June 2004
July 2004
August 2004
September 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
March 2007
April 2007
March 2009
April 2009
May 2009

tagboard


links

the moonlit road
fyrextinguisher
anathema
emperor daigo
headmaster cid

credits

blogger
blogskins

 

our journey, designed by Clone, only at BlogSkins

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com